|
Paggawa ng toge Hugasan ang munggo. Ibabad sa kaunting tubig sa loob ng kalahating araw. Kinabukasan, makikita ninyo na 'putok' o 'tubo' na ang munggo. kung di pa gaanong nakausli ang maputing puno nito, wisikan ng kaunting tubig at ibalik ang takip. (malinis na tela na basa). Silipin muli kinabukasan, at kung mahaba na ang 'puno' ay maari nang lutuin. Paalala: Huwag babayaang nakababad nang matagal sa maraming tubig ang munggo upang maiwasan ang pagka bulok nito.
|