|
Paghahalabos ng hipon Gaano karami ang tubig na isinasabaw ninyo kapag kayo ay naghahalabos ng hipon? Isang puswelong tubig? Dalawa o tatlong puswelo? Parehong mali! Hindi dapat lagyan ng maraming tubig ang hipon na ihahalabos. May 'sekreto' ang mga hipon - may 'baon' na tubig sila sa kanilang balat. At ito ay kakatas sa sandaling mainitan o maisalang sa apoy. Kaya, hugasan lalang ang hipon, ilagay sa kaldero at timplahan ng kaunting asin. Kung malalai ang hipon ay maaring sabawan ng 3-5 kutsarang tubig. Pakuluan hanggang matuyuan. Alimasag: Tulad din ng hipon ay hindi dapat na 'palutangin' ito sa tubig kapag lulutuin. Ang 1/4 - 1/2 puswelong tubog ay sapat na.
|