|
Sa pagbili ng Talong Marunong ba kayong kumilala ng talong na magulang na o mura pa? Mayroong malalaki at mahahabang talong na mura pa. At meron din maliliit na talong na magulang na o malalaki na ang mga buto. Malalaman iyan sa pamamagitan ng bahagyang pagpindot sa gawing dulo ng talong. Kapag matigas at waring punung-puno ang bahaging iyon, nangangahulugan na malalaki na ang mga buto nito at magulang na.
|