|
Sa pagbili ng ampalaya Hindi gaanong mapait ang malalaki ang kilabot at hindi gaanong berde ang kulay. Ngunit kung manilaw-nilaw ang kulay, ang ibig sabihin niyon ay hinog na o malapit nang mahinog ang ampalaya. Sa pagluluto ng Ampalaya Upang mabawasan ang pait nito, ibabad ng ilang sandali sa tubig na may kaunting asin, banlawan ng minsan atsaka ihulog sa lutuan. kungsabagay, ang pait na aalisin na iyon ay siyang mayaman na sustansiya ng ampalaya. isa pang paalala, matapos ihulog sa lutuan ang ampalaya, huwag paghahalu-haluin kung nais din lamang na hindi gaanong pumait ang sabaw. Gayun din ang gawin kapag murang dahon ng ampalaya ang isasahog sa ulam. Ihulog ang dahon ng ampalaya kung hahanguin na ang ulam o kung luto na ang ibang sahog. Ang dahon ng ampalaya ay masarap ilahok sa ginisang munngo at ginisang mais na mura.
|