|
Sa pagbili ng sibuyas Kapag malambot ang dulo at kung parang kumakatas ito kapag pinindot, nangangahulugan na bulok na o malapit nang mabulok ang sibuyas. Dahil diyan, hindi ito dapat bilhin lalo na't binabalak gamitin sa kinabukasan pa. Ang mainam na imbakin ay yung mga sibuyas na tuyo at pula ang balat, at matigas kung pindutin.
|