|
Tips sa pagpiprito ng Isda |
|
|
|
|
Tips sa pagpiprito ng Isda Marami ang 'natatakot' sa pagprito ng bangus. Ang dahilan, pumipisik ang mantika sa sandaling maihulog ang bangus. At totoo ngang napakasakit ang mapaso ng kumukulong mantika. May paraan para diyan. Bago prituhin ang bangus, pagulungin sa dinurog na tustadong tinapay (biskotso) o arina. Haluan ng kaunting vetsin ang durog na tinapay o arina. o kaya, kungdi ninyo gusto na nakabalot sa arina ang bangus, budburan ng ilang butil na asin ang kumukulong mantika bago ihulog ang bangus. Pagkatapos, takpan. Alisin ang takip at baligtarin ang isda kapag di na nakadirinig ng tilamsik sa loob ng kawali.
|