|
Sisig 
Recipe Ingredients: 2 kilo ng ulo ng baboy 2 jutsarang mantika 2 kutsarang tinadtad na bawang 1/2 tasang tinadtad na sibuyas 1/4 tasang tinadtad na siling pula 1/4 tasang tinadtad na inihaw na atay patis pantimpla 1 tasang suka puti 1 kutsarang liquid seasoning 1/2 na pirasong beef bouillon cube 1 kutsaritang dinurog na paminta tasang sabaw tinadtadna siling labuyo (ayon sa panlasa) Cooking Instructions: Ihawin ang ulo ng baboy para manggal ang mga balahibo. Pakuluan hanggang sa lumambot.Hiwaing pakuwadrado ang laman. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, sili, laman ng baboy at atay. Timplahan ng patis, suka, liquid seasoning, bouillon at paminta. Ibuhos ang sabaw. Pakuluin at hayaang lumambot ng husto ang baboy. Ihain sa pinainit na sizzling plate. Pagkatapos lagyan ng itlog sa ibabaw para lalong sumarap ang inyong sisig.
|