|
|
|
|
|
|
|
Recipe Menu |
| * Kitchen Entrance * |
| Pork, Beef, Seafood, Chicken, Vegetables |
| Refreshments, Appetizers, Soup, Pasta, Rice, Malagkit, Dessert, Salads, Pastries, Sweets, Condiments |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| |
| |
Path >> * Kitchen Entrance *
A blog of all section with no images
|
Baboy con Malunggay Recipe Ingredients: 1 tasang karne o baboy 1/2 tasang malunggay 1/2 tasang sibuyas talong 1/3 tasang dahong kalabasa 2 kutsarang bagoong alamang luya asin Cooking Instructions: Hiwain ang baka o karne ng baboy. Ilagay hanggang sa ito ay lumambot. Ihalo ang luya at sibuyas Timplahan ng bagoong . Ihalo ang mga gulay at dahong malunggay. Pabayaang nakasalang sa loob ng 20 minuto sa katamtamang init. Huwag lalabugin ang mga gulay. pagkaluto, ihain mainit pa. |
|
|
Pinirito At Saryadong Hamon 
Recipe Ingredients: 1 tasang kumukulong tubig 1 kutsaritang powder 1 tasang tinadtad na hamon 1/2 tasang margarina 1/4 na kutsaritang asin 4 na itlog Cooking Instructions: Ihalo ang mantikilya o margarina sa kumukulong tubig na may asin. Kapag natunaw na, Ihalo ang isang tasang arin at haluin hanggang sa hindi na dumikit sa pinaglulutuan ang masa . Ihalo nang isa-isa ang itlog at batihin pagkahalo ng bawat isa . Isunod ang isang kutsaritang curry powder at ang tinadtad na Hamon. Papatakin ang katamtamang dami nito sa mari at mainit na mantika . Kapag luto na, Ihaing kasabay na tartar sauce. Ang tartar sauce ay binubuo ng 1 kutsaritang tinadtad na sibuyas na pinong -pino . 1 kutsaritang suka. 1/2 kutsarang mayonesa. Ang lahat ng mga sangkap na ito ay kailangang pagsamasahin na idulot. Gaganahan ka sa pagkain. |
|
|
Hamon Na May Krim
Recipe Ingredients: 1-2 sibuyas na hiniwa ng maliliit 1/2 librang miki o noodles 2-3/4 onsang hamon o potted meat 2-1/2 tasang gatas 3 kutsarang arina 3 kutasarang paminta 3 kutsarang ginadgad na hamon asin paminta, keso Cooking Instructions: Lutuin muna ng bahag sa mantika ang sibuyas. kapag mapula- pula na hitsura, ihalo ang arina. Isalin ang gatas at lutuin saamantalang hinahalong madalas hanggang sa ito ay lumambot. Isama na pagkaraan nito ang hamon kasama ang asin at paminta. Iayos ang miki sa baking dish at isalin sa ibabaw ng sarsa ginwa. Budburan ng keso ang ibabaw at ipasok sa pugong may katamtamang init at pabayaang makapasok sa loob ng 20-25 minuto. Pagkaraan ng tagal na ito, maari ng hanguin at ihaing mainit pa.
|
|
|
Ham and Potato Salad
 Recipe Ingredients: 1 tasang pineapple tidbits 1/2 kilong patatas na nilaga ang pakudrado pagkaraang balatan na ang mga ito. 5 habang bacon, niluto at dinurog 2 mansanas na tinalupan ng pakudrado assin mayonesa asukal paminta Cooking Instructions: Pagsamahin sa mangkok o tanging lalagyan na kahoy ang patatas, bacon at pinya. Ihalo rin ang mansanas. Haluan ng tamang dami (tantiya o matatantiya naman ) ng mayonesa. Timplahan ng pampalasa. maasring palamigin sumandali bago ihain. Maari namng kainin kaagad. Nasa pagpapasya nito ng sinumang naghanda. Kung kailangan na o hindi pa.
|
|
|
Sisig 
Recipe Ingredients: 2 kilo ng ulo ng baboy 2 jutsarang mantika 2 kutsarang tinadtad na bawang 1/2 tasang tinadtad na sibuyas 1/4 tasang tinadtad na siling pula 1/4 tasang tinadtad na inihaw na atay patis pantimpla 1 tasang suka puti 1 kutsarang liquid seasoning 1/2 na pirasong beef bouillon cube 1 kutsaritang dinurog na paminta tasang sabaw tinadtadna siling labuyo (ayon sa panlasa) Cooking Instructions: Ihawin ang ulo ng baboy para manggal ang mga balahibo. Pakuluan hanggang sa lumambot.Hiwaing pakuwadrado ang laman. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, sili, laman ng baboy at atay. Timplahan ng patis, suka, liquid seasoning, bouillon at paminta. Ibuhos ang sabaw. Pakuluin at hayaang lumambot ng husto ang baboy. Ihain sa pinainit na sizzling plate. Pagkatapos lagyan ng itlog sa ibabaw para lalong sumarap ang inyong sisig.
|
|
|
Humba 
Recipe Ingredients: 1 kilong liempo ng baboy, (hiniwang pakuwadrado) 1 tasang sukang puti 1/3 tasang toyo 1 kutsarang dinikdik na bawang 1/4 kutsaritang oregano 1/2 tasang asukal 1 kutsarang pamintang buo,dinurog 1 kutsaritang asin 1 dahon ng laurel tubig 2 pirasong tahure,niligis 1/2 tasang tinadtad na tustadong mani Cooking Instructions: Sa kaserola, Ibabad ang liempo sa suka,toyo,bawang,oregano,asukal,paminta,asin at laurel nang 2 oras. Magdagdag ng sapat na tubig para maluto ang baboy. Lituin hanggang lumambot. Isama ang tahure at mani lutuin hanggang lumapot ang sarsa.
|
|
| | << Start < Prev 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 Next > End >>
| | Results 101 - 110 of 218 |
|
|
|
|
|
|
|